CLEVELAND (AP) — Siniguro ng Cleveland Indians na durog ang katauhan ng Chicago Cubs sa unang hatawan.

Binokya ng Indians ang Cubs, 6-0, nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Game 1 ng World Series.

Pinagbidahan ni pitcher Corey Kluber ang six scoreless innings, habang dalawang home run ang nakuha ni catcher Roberto Perez.

Sa duwelo ng dalawang koponan na kapwa uhaw sa kampeonato – huling nagwagi sa World Series ang Indians noong 1948, habang natikman ng Cubs ang titulo noong pang 1908.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Sa record, naging kampeon sa nakalipas na anim na World Series ang koponan na nagwagi sa Game at kabuuang 17 sa 19 pagkakataon.

Kumana si Francisco Lindor ng three hits.