Limang katao, tatlong lalaki at dalawang babae, ang inaresto ng mga pulis habang nagsasagawa umano ng pot session sa bahay ng isa sa mga suspek sa Navotas City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Police Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, ang mga nadakip na sina Raymundo de Guzman, 39; Raymundo San Miguel, 33; Esmeralda Dantes, 42; Elizabeth Dela Pena, 49; at Joel Raymundo, 44, pawang residente ng Barangay NBBS ng nasabing lungsod.

Ayon kay Novicio, dakong 3:00 ng hapon, nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4, sa pangunguna ni Police Insp. Albert Trinidad sa Block 28, Phase 2, Area 2, Bgy. NBBS, Navotas City.

Pasimpleng lumapit ang isang concerned citizen kay Trinidad at ibinulong na may nagpa-pot session sa bahay ni Dantes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar at nahuli sa aktong bumabatak ang limang suspek kaya inaresto ang mga ito.

Narekober ang tatlong pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang lima sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 at Illegal Possession of Drugs Paraphernalia. (Orly L. Barcala)