Bagito man sa ibabaw ng lona, beterano sa kaisipan at diskarte si Pinoy knockout artist Jun Blazo na asam makasilat kontra WBC No. 9 super flyweight Koki Eto sa kanilang sagupaan sa Nobyembre 5 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Gusto ring ibawi ni Blazo ang mga Pilipinong sunod-sunod natalo sa Japan tulad ni dating world rated Jonathan Baat na pinatulog sa 4th round noong Linggo ni Japanese No. 2 Yusaku Kuga sa kanilang super bantamweight bout sa Tokyo.

Lumasap din ng kabiguan sa puntos sa featherweight bout ang bagitong si Pinoy boxer Carlo Demecillo kay one-time world title challenger Hisashi Amagasa nitong Huwebes ng gabi kaya inspirado si Blazo na lumikha ng upset laban kay Eto na nabigo sa paghamon kay dating WBC super flyweight champion Carlos Cuadras ng Mexico sa 12-round unanimous decision noong 2015 sa Miyagi, Japan.

May kartadang 5-1-3 karta, tampok ang limang TKO, kumpiyansa ang tubong Leyte na si Blazo laban kay Eto naging interim WBA flyweight champion at may rekord na 18-4-1. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!