LOS ANGELES – Handa na si Philippine senator at boxing legend Manny ‘Pacman’ Pacquiao para sa huling yugto ng pagsasanay para sa pagbabalik-aksiyon kontra defending champion Jessie Vargas ng Mexico sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center dito.

Dumating ang grupo ni Pacman sa Los Angeles Airport Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) para simulan ang pagsasanay, sa pangangasiwa ni hall-of-famer Freddie Roach sa Wildcard Gym sa Hollywood.

Bago tumulak patungong Amerika, subsob na sa ensayo ang eight-division world champion sa Elorde Gym sa MOA Complex matapos ang trabaho sa Senado sa umaga.

Itataya ng tinaguriang Fighter of the Decade ang kartang 58-6-2, tampok ang 38 KOs, habang matikas ang marka ni Vargas, World Boxing Organization (WBO) welterweight world champion sa 27-1, 10 KOs.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA