Ni ROY C. MABASA

Kumpiyansa ang China na para sa ikabubuti ng Pilipinas at mamamayan nito ang independent foreign policies at choices ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Chinese Foreign Ministry matapos ianunsyo ni Pangulong Duterte sa state visit nito sa China noong nakaraang linggo ang ‘pakikipaghiwalay’ ng Pilipinas sa United States, kapwa sa relasyong militar at ekonomiya.

“The Chinese side respects the Philippines in making foreign policies as a sovereign state based on its own judgment and the fundamental interests of the country and the people,” sabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying sa media briefing na ginanap sa Beijing sa pagtatapos ng pagbisita ni Duterte.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ayon kay Hua, naniniwala ang China na ang mga bansa ay hindi dapat magkimkim ng “cold-war or zero-sum mentality” sa international relations.

“We always develop our relations with other countries in an open, inclusive and mutually beneficial spirit, not targeting, excluding nor affecting the normal relations with third countries,” diin niya.

Sa pagbalik sa Manila mula Beijing nitong Biyernes, nilinaw ni Pangulong Duterte na ang tunay niyang ibig sabihin ay ang “separation of a foreign policy” at hindi “severance of ties” sa US, na matagal nang kaalyado ng Pilipinas.

“You say severance of ties, you cut the diplomatic relations. I cannot do that,” sabi ng Pangulo.

Gayunman, sinabi ng White House na “offensive” ang mga naging pahayag ni Duterte at lumilikha ito ng “unnecessary uncertainty” sa relasyon ng dalawang bansa.

Sa harap ng kasalukuyang relasyon ng US at Pilipinas, idiniin ni Hua na ang pagbisita kamakailan ng Pangulong Duterte sa China ay makatutulong upang lubusang maisaayos at mabuo ang China-Philippine relations at maibalik sa landas ng bilateral dialogue at consultation ang isyu sa South China Sea.

“This is an important contribution to regional peace and stability and in line with the common aspiration of relevant parties,” sabi ng opisyal ng Chinese foreign ministry.