TARLAC CITY - Natigmak ng dugo ang SCTEX exit road sa Barangay Lourdes matapos na makasalpukan ng isang tricycle ang kasalubong nitong Mitsubishi L-300 van, na ikinamatay ng isang lalaki at grabeng ikinasugat ng limang iba pa, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Rafael Bernardo, Jr. ang nasawi na si Domingo Esguerra, Jr., 36, may asawa, driver ng tricycle, at taga-Sitio Lote, Barangay Central, Tarlac City.

Sugatan naman sina Raul Abalos, 22, binata; Joram Esguerra, 24; Wally Cruz, 33; Arthuro Ortiz, 48; at Jeffrey Cabading, 27, pawang taga-Bgy. Central.

Ang nakabanggaang van (RHY-877) ay minamaneho ni Jiao Shi, 48, may asawa, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

(Leandro Alborote)