Pinaiimbestigahan na ni QCPD Director Police Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pamamaril sa magkapatid na fish vendor, isa sa kanila ang nasawi, sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang napatay na biktima na si Jhon Themy Alchoreque y Bullazar, 23, ng No.35 Session Road, Sitio Talayan, Barangay Batasan, Quezon City, habang sugatan naman ang utol niyang si Jig Alchoreque y Bullazar, 24.

Sa report ni Police Supt. Lito Patay, hepe ng QCPD-PS6, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa nang pagbabarilin ng isang ‘di pa nakikilalang suspek ang magkapatid habang kapwa nakaupo sa kanilang tindahan sa Pamilihang Bayan sa Ilang–Ilang St., Bgy. Batasan, Quezon City.

Bigla na lamang umanong sumulpot sa nasabing lugar ang suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo si Jhon na duguang bumulagta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang mag-utol subalit hindi na naisalba ang buhay ni Jhon, habang masuwerteng nakaligtas si Jig. (Jun Fabon)