Isasagawa muli ang inaabangan kada taon ng mga pribado at pampublikong unibersidad sa buong bansa na Philippine University Games (UNIGAMES) na ipagdiwang ang ika-21 nitong taon sa City of Dumaguete sa Negros Oriental.

Sinabi ni City of Dumaguete Mayor Felipe Antonio Remollo na maluwag na tinatanggap ng kanyang siyuda ang muling paghohost sa UNIGAMES ngayong taon matapos na magwagi at makabalik sa puwesto bilang pinuno ng kinikilalang siyudad.

Ikalimang pagkakataon ng Dumaguete maghost kung saan ang unang tatlo ay isinagawa ng Foundation University noong 2000, 2002 at 2008 habang Silliman University noong 2010 at ngayong 2016.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matatandan na naging mayor ng Dumaguete si Remollo noong 2001.

Isa sa masugid na tagapagtaguyod ng sports, agad na kinuha ni Remollo sa kanyang pagbabalik bilang mayor ang paghohost sa UNIGAMES kada taon hanggang sa matapos ang kanyang termino bilang pagpapakita ng kanyang suporta, pagpapalawak sa nasasakupan at pagmamahal sa sports ng buong Dumagueteños.

“If things go right for us, Dumaguete City will be hosting the UNIGAMES on a yearly basis and assured the organizers it will improve and further upgrade the facilities in cooperation with the provincial government,” pangako ni Remollo.

Sinimulan noong 1996, unang isinagawa ang torneo sa University of St. La Salle, ang founding host, sa Bacolod City, Negros Occidental.

Sampung sports lamang mula sa dating 14 na sports ang paglalabanan ngayong taon na men at women’s basketball, beach volleyball, table tennis (men at women), athletics, football, taekwondo, chess at badminton. Hindi na gagawin ang sepak takraw ngayong taon dahil sa kulang sa kalahok.

Kabuuang 38 unibersidad ang nagkumpirma ng kanilang partisipasyon sa torneo kung saan huling sumali ang Negros Oriental State University sa Dumaguete City.

Ang ilang collegiate schools na naapektuhan ng K to 12 program ay kailangan na lamang magsali ng mga atleta sa individual at dual sports.

Inaasahang magsisidatingan ang mga delegasyon sa Dumaguete simula Oktubre 22 hanggang 23. (Angie Oredo)