Prayoridad ng administrasyon ang pagtaas ng sahod ng manggagawa, pagtiyak sa seguridad ng trabaho, at pagpapalakas ng empleyo.

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia kamakailan na halos kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing ang pagtaas ng sahod ng manggagawa ang pangunahing isyu na dapat kaagad tugunan ng administrasyong Duterte.

“Ginagawa namin ang lahat para maisaayos ang sahod. Ngunit ito ay kailangang dumaan sa mahabang proseso dahil dapat nating konsultahin ang lahat ng sektor,” ani Bello. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'