sarah-geronimo-copy-copy

NAG-AALALA ang mga katoto sa aktres na pansamantalang nagpahinga sa showbiz dahil baka wala na raw balikan sa rami ng bagong artista ngayon na click sa masa.

“’Yung estado niya kasi, wala pang nakakaabot, kung baka stable na siya ‘tapos biglang nawala siya. Though puwede naman siyang bumalik anytime, hindi lang natin alam kung ganu’n pa rin siya ka-hot ‘pag gumawa ng pelikula. Kasi hindi lahat ng movie niya kumita,” sabi ni Katoto A.

“Napagod kasi siya kaya nagpahinga,” hirit naman ni Katoto B. “Good thing may iba siyang pinagkaabalahan, may iba na siyang talent bukod sa pa-cute na acting, pagsasayaw at singing.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ay, sabi namin, si Sarah Geronimo ba ang pinag-uusapan?

Nagkatawanan lahat, kasi hindi raw kami nakikinig, panay lang ang text.

Ipinagtanggol namin si Sarah, na marami pa ring nagmamahal. Sa katunayan, hit pa rin ang mga kanta niya. Di ba nga, tumanggap siya ng Platinum Award sa ASAP?

“Oo nga, di ba nga, sabi niya, ‘salamat may nakikinig pa pala sa akin’? May laman ang sinabi niya, ibig sabihin, aware siya kung ano ang status ng career niya ngayon,” say ni Katoto C.

Hirit namin, mabigyan lang siya uli ng magandang project, tiyak na ‘boom’ na naman ang career ni Sarah. At saka hindi naman siya totally nawala sa TV dahil patuloy naman siyang nagre-report sa ASAP bilang host at magaganda ang production number niya every week.

Natawa nga kami sa tsika ng Katoto D: “Mukhang handa naman nang mag-asawa si Sarah, si Matteo (Guidicelli) na lang ang hinihintay niyang mag-propose.”

Hala, parang hindi naman din dahil ang alam namin ay marami pang gustong mangyari si Sarah sa career niya bilang singer. Sa pag-aartista, hindi namin alam kasi parang bawal naman sa kanya ang heavy drama na may kissing scenes kahit 28 years old na siya.

“Dapat kasi nagle-level up na siya,” hirit ni Katoto B.

Para rin naman kasing hindi rin bagay kay Sarah na magkaroon ng torrid kissing scene o bed scene dahil mukha pa rin siyang nene lalo na kapag nagsasalita. Kaya paano siya mabibigyan ng mga seryosong papel tulad nina Bea Alonzo, Shaina Magdayao at iba pa? (Reggee Bonoan)