Asahan na ang mas malamig na panahon sa mga susunod na buwan kasabay ng pagpapahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na opisyal nang natapos ng panahon ng habagat.

Ang habagat ay iniuugnay sa panahon ng tag-ulan sa bansa, sa pagdudulot ng monsoon winds ng ulan at kidlat sa buong bansa.

Gayunman, kahit patapos na ang habagat, na siya ring pagtatapos ng tag-ulan hanggang sa huling bahagi ng taon, ay asahan pa rin ang manaka-nakang pag-ulan dulot ng paparating na El Niño Southern Oscillation (ENSO).

Sa isang pahayag, sinabi ng PAGASA na lumalabas sa pinakabagong climate analysis ang kahalagahan ng paghina ng hanging habagat na nararanasan simula pa noong nakaraang araw.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

“With these developments, the Southwest Monsoon or known locally as ‘habagat’ is now officially over,” ayon sa pahayag.

Sa pagpalit ng amihan sa habagat, magsisimula na ring lumamig ang panahon ilang araw bago ang Pasko.

(Chito A. Chavez(