Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang estudyante na pinaghinalaang police asset sa Barangay Gustilo Lapaz, Iloilo City.

Sa imbestigasyon ng Iloilo City Police Office (ICPO), kinilala ang biktimang si Wensher Francisco Caravana, 20, ng Bgy. G. Lapaz, na nagtamo ng mga tama ng bala ng 9mm. pistol sa tiyan, leeg, mukha at balikat.

Blangko naman si Sherwin Caravana, ama ng biktima, sa motibo sa pamamaslang sa kanyang anak. (Fer Taboy)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder