BEIJING, China - Sa pagnanais na magkaroon ng mas magandang samahan sa China, ipinahayag ni Pangulong Duterte nitong Miyerkules ng gabi na panahon para magpaalam sa United States.

Sa pinakamabagong patama laban sa US, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na siya magtutungo sa Amerika at naniniwalang hindi gaanong nakikinabang ang Pilipinas sa ugnayan nito sa Amerika sa nakalipas na taon.

“It’s time to say goodbye my friend. Your stay in my country was for your own benefit,” diin ng Pangulo sa isang pagpupulong kasama ang mga Pilipino sa Hyatt hotel dito.

“I will not go to America anymore. I will just be insulted there,” ani Duterte na malinaw na nais na kumalas sa Amerika at sa halip ay nais makipagtulungan sa China at Russia.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Muling ipinamalas ng Pangulo ang kanyang disgusto sa US habang siya’y nasa China upang magkaroon ng mas magandang relasyon sa huli sa kabila ng hindi pagkakasundo sa teritoryo.

‘Tila iniinda pa rin ng Pangulo ang pagbatikos ng US sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga, kaya sinabi niya, “No more American interference, no more American exercises.”

“Do not tell us that you have provided us with education. We would have survived if there was no education in my country at that time, we would have invited one better than what they have given us,” sambit ni Duterte.

Sinabi niya na napaniwala ang Pilipinas sa “lies” tungkol sa China at Russia dahil sa propaganda ng US.

“What kept us from China was not our own making. I will chart a new course,” dagdag niya.

Nagpahayag naman ng suporta si Senate President Aquilino Pimentel III sa independent foreign policy na isinusulong ng Pangulo.

“It’s very good that for the first time, we have a president who is now emphasizing that concept in our Constitution, that we must pursue an independent foreign policy,” ayon kay Pimentel, isang bar topnotcher.

Ayon naman kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, kailangang ipatupad ng Pilipinas ang “inter-dependent’’ foreign policy.

Sa pakikipagkalas ni Pangulong Duterte sa US at pakikipagtulungan sa China at Russia, sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Franklin M. Drilon: “It is to our national interest that we should maintain our relationship with our long-time ally (ang United States). (Mario D. Casayuran)