MIAMI (AP) – Hataw si Willie Reed sa naiskor na 16 puntos at 11 rebound, habang kumana si Goran Dragic ng 17 puntos sa panalo ng Heat kontra Orlando Magic, 107-77, nitong Martes (Miyerkules sa Manila.

Nakopo ng Heat ang ikaapat na panalo sa anim na laro.

Nag-ambag sina Dion Waiters at Tyler Johnson ng tig-15 puntos.

Nanguna si Serge Ibaka sa Orlando sa natipang 15 puntos.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

WIZARDS 96, CAVS 91

Sa Columbus, Ohio, ginapi ng Washington Wizards, sa pangunguna ni Andrew Nicholson na kumana ng 19 puntos, ang Cleveland Cavaliers.

Kumubra si John Wall ng 17 puntos para isara ng Wizards ang kampanya sa road game sa preseason record na 3-3.

Tumipa si LeBron James ng 18 puntos mula sa 8-of-13 shooting, habang tumipa si Kevin Love ng 15 puntos para sa ikaapat na kabiguan ng cavs sa anim na laro.