Pangungunahan nina reigning MVP Jessie Lacuna at Hannah Dato ang kampanya ng Ateneo para maidepensa ang korona paglarga ng UAAP Season 79 swimming competition ngayon sa Rizal Memorial Swimming Pool.
Nakuha ng Blue Eagles, tangan ang 563 puntos, ang ikalawang sunod na men’s title at liyamado para sa ikaapat na korona sa apat na araw na koponan.
Nangunguna si Lacuna, sumabak sa Rio Olympics, sa natipong pitong gintong medalya sa nakalipas na season.
Makakatuwang niya si Aldo Batungbacal, bumura sa record sa 1,500-meter freestyle ni National University’s Cesar Palacios (16:55.53) sa bagong tyempong 16:49.89, gayundin si Axel Ngui.
Inaasahan ang matinding hamon mula sa De La Salle at University of the Philippines.
Nakamit din ng The Lady Eagles ang koronan nang maungusan ang Lady Maroons sa women’s tiara.
Nakasandal ang Ateneo sa mga beteranong sina Hannah Dato, at Raegan Gavino, tinanghal na Rookie of the Year sa nakalipas na season.
Tulad ni Lacuna, humakot din ng pitong ginto si Dato para makopo ang MVP award.
Sa juniors division, liyamado rin ang Ateneo sa boys division, habang nangunguna ang University of Santo Tomas sa girls class.