Winalis ng defending girls volleyball champion National University ang Far Eastern University-Diliman, 25-20, 25-16, 25-17, para hatakin ang winning record sa walo sa UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson University gym.

Hindi naman naging kasing-palad ng girl’s squad ang Bullpups dahil natapos ang kanilang eight-game winning streak sa 25-18, 20-25, 16-25, 19-25, 15-17 kabiguan sa kamay ng Baby Tamaraws.

Bunsod nito, nakaabante ang University of Santo Tomas sa solong liderato sa boys division matapos gapiin ang University of the East, 25-20, 23-25, 25-19, 25-19,para sa 9-1 karta.

Nanatili namang nakabuntot ang Junior Tigresses sa Junior Lady Bullpups hawak ang barahang 7-1, matapos ang panalo kontra Adamson University, 25-17, 25-22, 25-14 .

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sa iba pang girls’ match, pinayukod ng UE ang UP Integrated School, 25-17, 25-19, 25-15.

Namayani naman ang De La Salle-Zobel kontra Adamson University, 25-14, 25-15, 25-16, habang nanaig ang Ateneo laban sa UPIS 25-21, 25-15, 25-17 sa boys division. (Marivic Awitan)