LEXINGTON, Kentucky (AP) — Nabaril at napatay ang 15-anyos high school sprint star at anak ni Olympic sprinter Tyson Gay nitong Linggo (Lunes sa Manila), ayon sa pahayag ng Kentucky police.

Binawian ng buhay si Trinity Gay habang nilalapatan ng lunas sa University of Kentucky Medical Center, ayon sa opisyal na pahayag ng coroner’s office ng Fayette County.

Kinumpirma ito ni Mark Wetmore, agent ni Gay, sa text message sa The Associated Press.

Ipinahayag ng Kentucky Police na naaresto ang suspect na si Dvonta Middlebrooks, 21, at kinasuhan ng wanton endangerment and possession of a firearm by a convicted felon. Sa police report, si Middlebrooks umano ang nagpaputok sa parking area kung saan tinamaan sa leeg ang batang si Gay.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Si Trinity Gay ang pambatong sprinter ng Lafayette High sa Lexington at pangapat sa 100 meter at ikalima sa 200 meter sa State Class 3A high school track meet nitong Mayo. Bahagi rin siya sa 4x200 relay team na tumapos sa ikaapat na puwesto.

Ang kanyang ama ay nagtapos din sa Lafayette at may hawak ng state record sa 100-m na naitala noong 2001.

“Our hearts are broken this morning over the loss of Trinity to this tragic and senseless act of violence. Please join us in keeping the Gay family close in thought and prayer and supporting the students, staff, and families at Lafayette High during this unspeakably difficult time,” pahayag ni Fayette Country Public School Superintendent Manny Caulk.

“Shocked to hear of death of Trinity Gay. A life of such potential cut so tragically short. Sympathies to Tyson and entire family,” sambit sa Twiiter ni Kentucky High School Athletic Association Commissioner Julian Tackett.

Nagbigay din ng pakikiramay ang USA Track and Field, gayundin si NBA star Vince Carter sa Twitter.

Simbolo ng US athletics si Tyson Gay na sumabak sa huling tatlong Olympics.