UNANG pagtatambal ng Kapuso stars na sina Ryza Cenon at Martin del Rosario sa indie film na Ang Manananggal Sa Unit 23B na napapanood ngayon sa ongoing QCinema International Film Festival na tatagal hanggang sa October 22, pero ang awards night ay magaganap sa October 19.

Congratulations kina Ryza at Martin, dahil sa grand premiere night ng movie, SRO ang Cinema 2 ng Gateway Mall na walang lumabas habang pinanonood dahil maganda talaga ang story, mahusay ang direksyon, at mahusay din ang mga artista.

Tiyak na pag-uusapan dito ang sexy scene ni Ryza na ayon sa actress, napaiyak siya pagkatapos makunan, pero iyon ay nang makarating na siya sa bahay niya.

All out kasi siya sa eksena at kaya siya naiyak dahil sa nerbiyos na baka hindi niya nagawa ang eksenang hinihingi sa kanya. Pero ayaw daw niyang mag-worry sa kanya ang mga kasama niya at ang production staff kaya hindi siya umiyak sa set. Nagpasalamat siya sa mga kasama na pinuri ang ginawa niya, kahit first time lang niyang nagpaka-bold nang ganoon.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Pero hindi po iyon nangangahulugan na mga ganoong role na lang ang gagawin ko,” sabi ni Ryza. “Gusto ko pong mag-try ng iba-ibang role. Actually, hindi po ang role ni Jewel ang in-audition ko, pero nang dumating ako sa location, sinabi nilang i-try ko munang gawin ang lead role ni Jewel. Kaya I feel very blessed nang nakapasa ako sa audition.

Sana po ay mapanood ninyo ang movie namin.”

Totoong kaabang-abang ang mga eksenang iyon ni Ryza, kaya natanong siya kung puwede na niyang labanan si LJ Reyes sa Anino Sa Likod ng Buwan na nag-all out din si LJ, na ilang beses nang nagbigay ng best actress award kay LJ here at sa mga international film festival. Matatandan na magkasama sa Starstruck Batch 3 sina Ryza at LJ, si Ryza ang ultimate winner at si LJ ang first princess.

“Wala po namang competition sa amin ni LJ pero sana nga mas maganda kung magugustuhan nila ang acting ko, mananalo rin ako,” pabirong sagot ni Ryza.

Para kay Ryza, ito na ang biggest break niya sa kanyang career. Thankful siya sa GMA Network na hindi pa rin siya nawawalan ng trabaho. Sa ngayon ay may guest role siya sa top rating primetime soap na Alyas Robin Hood at tapos na rin siyang mag-shooting ng Enteng Kabisote 10: The Abangers as the wife of Oyo Sotto for the coming Metro Manila Film Festival sa December. Tuloy pa rin sa pagpi-paint si Ryza at sa ngayon ay nakaipon na siya ng more or less 100 pieces of paintings na balak niyang itampok sa exhibit next year.

Hindi naman daw niya nakakalimutan ang love life kahit lagi siyang busy. Meron siyang non-showbiz/businessman boyfriend, at two months na sila. Pero kahit anong kulit kay Ryza, hindi niya ibinigay ang name ng boyfriend, gusto raw niyang maging private na lamang iyon. (NORA CALDERON)