ISULAN, Sultan Kudarat – Pulitika ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril sa isang bise alkalde ng Maguindanao sa gitna ng inuman, na ikinasawi ng bodyguard ng opisyal, sa Barangay Kangkong, Esperanza, Sultan Kudarat nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Office Director Supt. Raul Supiter, pulitika ang sinisilip nilang anggulo sa pamamaril kay Datu Abdullah Sangki Vice Mayor Samdodin Sangki, 31, dakong 7:25 ng gabi nitong Linggo.

Agad namang nasawi sa insidente ang bodyguard ni Sangki na si Harold Sayed, taga-Datu Abdullah Sangki.

Kasama rin sa sugatan nang magtamo ng mga tama ng bala si Melchor Tagle, 66, chairman sa lugar at biyenan ng bise alkalde.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nabatid sa isinagawang panayam sa ilang saksi na nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ni Tagle nang pagbabarilin sila ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek, na agad ding tumakas matapos ang krimen.

Nasamsam ng pulisya mula sa lugar ng pamamaril ang ilang basyong bala ng .45 caliber pistol at .30 caliber Garand rifle. (Joseph Jubelag at Leo Diaz)