avery-copy-copy

PAGKATAPOS ni Rodjun Cruz, si Avery Paraiso ang bagong karagdagang karakter sa Encantadia at ginagampanan niya si Kahlil, anak nina Alena (Gabbi Garcia) at Ybarro (Ruru Madrid).

Marami ang nag-abang sa unang paglabas ni Avery sa fantaserye kabilang si Jake Cuenca, ang unang gumanap bilang Kahlil sa original version ng sikat na fantaserye.

Pagkatapos ng unang labas ni Avery, nag-tweet agad si Jake at may mensahe kay Avery via Twitter na ang sabi, “@AveryParaiso hoping the role of ‘Kahlil’ brings you as much success as it did for me back then. #encantadia #EncantadiaPakikipaglaban.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Agad sumagot si Avery ng: “Thank you! It means a lot coming from you.” Muling sumagot si Jake ng “@AveryParaiso no worries bro!”

Nag-trending din sa Twitter ang unang labas ni Avery sa Encantadia at positive ang comments ng viewers. May mga nangakong panonoorin ang bawat labas niya sa fantaserye, may nag-congratulate at merong ginagaya ang dialogue niyang, “Ako si Khalil, anak nina Ybarro at Alena.”

Natawa kami sa isa pang viewer ng fantaserye na may payo kay Avery, “Hey Khalil, beware of Danaya... heard she killed you last time (2005 version ng Encantadia).

“I’ll be careful this time. Don’t feel like getting killed again:)” sagot ni Avery. (NITZ MIRALLES)