dick-copy

NGAYONG gabi, babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang mala-pelikulang buhay ni Dick Israel.

Dahil sa markado niyang pagganap lalo na sa kontrabida roles, sabay na kinamuhian at hinangaan ang beteranong aktor na si Dick. Nitong Hulyo, naging laman siya ng balita nang masunugan. Nito namang Setyembre, ibinahagi nila ng kanyang misis na si Marilyn sa programang Wagas ang kuwento ng kanilang pagmamahalan. Ngunit si Marilyn, nitong nakaraang linggo, na-comatose at namatay naman si Dick sa atake sa puso.

On a lighter note, itatampok din ang isang barangay sa Maynila na ang arrive ay hango sa The Beatles. Mula sa murals at disenyo ng barangay, Beatles na Beatles talaga. Itinodo na nila ang pagiging fanatic ng The Fab Four dahil mula sa pangalang Barangay 330, ang opisyal na nilang pangalan ngayon ay Barangay Beatles.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Mainit ding tinututukan ngayon ang salpukan ng Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts sa PBA Finals. At bilang pagpapakita ng suporta sa Ginebra, isang die-hard fan ng Gin Kings ang viral ngayon nang kunan ng video ang sarili na kumakanta ng ’Pag Nananalo ang Ginebra. Kikilalanin ng programa si Maria Gracia Gonzales, ang binansagan ngayong “Diva ng Barangay Ginebra”.

Sino nga ba ang hindi naantig sa kuwento ng pag-aaruga ni Rochelle sa kanyang paralisadong mister na si Jun Bert na itinampok ng KMJS noong Hunyo? Nag-viral ang video na makikitang inaawitan ni Rochelle ang mister. Mistulang larawan man ng kawalan ng pag-asa ang sitwasyon ni Jun Bert, patuloy na kumapit si Rochelle. Hanggang nitong Setyembre, tila dininig ang kanyang panalangin. Ang mister niyang si Jun Bert ay biglang nagising, unti-unting nakagalaw, nakakalakad at ngayo’y nakakausap na.

Ilan lang ito sa mga kuwentong tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong gabi.