MALAKING selebrasyon ang handog ng Jeepney TV sa ikaapat nitong anibersaryo sa pagpapalabas nito ng Be Careful With My Heart ngayong buwan ng Oktubre.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang fans para na makilala ang si Jodi Sta. Maria bilang Icon of the Month BTS: Jodi Sta. Maria na mapapanood sa October 30.

Muli ring mapapanood ang Nathaniel na pinagbibidahan ni Marco Masa kasama sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Coney Reyes umpisa ngayong October 24 at ang Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan naman nina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli simula naman sa October 23.

Mapapanood na rin sa Jeepney TV ang romantic koreanovela na The Princess Hours simula October 17. Makikipagsabayan din ang groundbreaking U.S. hit series na Jane the Virgin tuwing Biyernes ng gabi.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Aksiyon naman ang mapapanood tuwing Sabado ng hapon dahil muling ipapalabas ang mga seryeng Dugong Buhay na pinagbibidahan ni Ejay Falcon at ang Lastikman na pinangungunahan naman ni Vhong Navarro. Tuoy-tuloy ang aksiyon hanggang gabi sa pagdating ng koreanovela hit na Blood at ng Pasada Astig.

Napapanood ang Jeepney TV sa SkyCable Channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9.