Naniniwala ang isang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na ilang opisyal ng kagawaran at ng Department of Justice (DoJ) ang tumanggap ng milyones, kapalit ng pagbasura sa illegal detention case laban sa utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Dahil dito, hiniling ni dating NBI Deputy Director Ruel Lasala kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na imbestigahan ang mga opisyal na sangkot.

“Nire-request din namin kay kagagalang-galang Secretary Aguirre kung pwede matingnan din sa pangalawang pagkakatoon ‘yung pagkaka-dismiss doon sa kaso ng serious illegal detention ni Napoles,” ayon kay Lasala.

“Putok na putok kasi sa bureau na millions of pesos ang napakinabangan ng mga dating opisyal ng NBI at tsaka dating opisyal ng DoJ,” dagdag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Lasala at dating NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda ay nagsampa ng drug trafficking case laban kay Senator Leila de Lima at NBI Deputy Director Rafael Ragos kamakailan sa DoJ.

Magugunita na si Napoles ay sinampahan ng kasong serious illegal detention ng kanyang pinsan na si Benhur Luy, ang whistleblower sa pork barrel scam. (Jeffrey G. Damicog)