camille-vj-copy-copy

TULOY na tuloy na pala ang wedding ni Camille Prats at ng kanyang boyfriend na si VJ Yambao sa January 2017. Kaya ngayon pa lamang, lubos na ang paghahanda ni Camille sa nalalapit niyang pagpapakasal.

Kamakailan ay natapos na ang pre-nuptial shoot nila ni JV sa California.

Hindi ikinakaila ni Camille na gustung-gusto na niyang maging Mrs. VJ Yambao. Sa dati pa naming interview kay Camille noon, naitanong na namin sa kanya kung saan sila maninirahan ni VJ kasama ang anak niyang si Nathan, sakaling ikasal na sila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Napagkasunduan na namin ni VJ na sa California na kami manirahan,” sagot ni Camille. “Naroon kasi ang work niya at ako naman, willing kong i-give-up ang career ko rito, para magkasama kami roon. Ilang beses na rin kaming nagpunta sa California ni Nathan at okey naman sa anak ko na doon na kami manirahan. Naroon na rin kasi ang family ni VJ, doon na sila naka-base.”

Nakatutuwa ang excitement ni Camille sa kanyang pagiging Mrs. Yambao sa nalalapit na hinaharap. Katunayan, ang kanyang married name na ang kanyang ipinatahi sa kanyang personalized bag tag. Sa halip na ‘Camille Prats’ ay ‘Camille Yambao’ na ang bag tag niya.

Pero habang nandito pa sa Pilipinas, tuloy pa rin ang hosting job ni Camille sa Mars with Suzi Entrata na napapanood daily sa GMA News TV, 7:00 PM at sa corporate shows. Katatapos lang nilang mag-host ni Suzi sa launch ni Vic Sotto as the new celebrity ambassador ng Chooks To Go na ginanap sa EDSA Shangri-la nitong nakaraang Miyerkules.

(NORA CALDERON)