Maglalabas din si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng sarili niyang listahan ng mga opisyal ng lungsod na sangkot sa ilegal na droga.

Sa 3rd City Development Council Convention sa Manila Hotel, sinabi ni Estrada na ilalabas niya sa lalong madaling panahon ang kanyang “narco-list” ng mga adik at protektor ng mga sindikato ng droga.

“Malapit na,” sagot ng dating Pangulo nang tanungin kung kailan niya isasapubliko ang kanyang listahan. “Hindi ko naman isinisekreto ‘yun. ‘Pag kumpletong-kumpleto na at sigurado na kami, ilalabas ko na.”

Ayon pa kay Estrada, ilang opisyal ng barangay ang kumpirmadong sangkot sa droga.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Tsaka ko na sasabihin. Basta 896 ang barangay chairman namin dito. Meron na,” ani Estrada, sinabing pinaiimbestigahan na niya ang mga ito.

Nilinaw naman ng alkalde na walang mga konsehal na kasama sa kanyang listahan dahil nagpa-drug test na ang mga ito noong Agosto 8, kasama siya at si Vice Mayor Honey Lacuna, at pawang nagnegatibo sila sa paggamit ng droga.

Sinabing ipinada-drug test na ngayon ang mga kawani ng city hall, inihayag kamakailan ni Estrada na ipada-drug test din niya ang lahat ng opisyal ng barangay, mula sa chairman hanggang sa kagawad, at nagbantang kakasuhan ang sinumang magpopositibo sa mga ito. (Mary Ann Santiago)