Nakabalikwas ang Balipure sa unang kabiguan nang pabagsakin ang liyamadong Bureau of Customs , 26-24, 25-21, 25-21, nitong Miyerkules sa Shakey’s V- League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lumaro ang mga import ng Customs na sina Kanjana Kuthaisong at Nattnanicha Jaisaen ng Thailand, ngunit hindi ito naging hadlang para makalikha ng matikas na opensa ang Water Defenders para maiganti ang kabiguan natamo sa University Santo Tomas.

Naging bentahe para sa Balipure na gamay ng mga players ang istilo ni Alyssa Valdez, ang nangungunang player ng Customs. Sa opening game, umiskor si Valdez ng 39 puntos.

Umiskor si Morrell ng 17 puntos habang nagdagdag sina Dzi Gervacio at Amy Ahomiro ng tig-10 puntos upang pangunahan ang Water Defenders.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Coming from a four-set loss to University of Santo Tomas, Bali Pure bagged its first win with a game plan focused on limiting Valdez,” pahayag ni Bali Pure playing coach Charo Soriano.

“So we really worked on our defense a lot, then we worked on our counter attack more. We were telling ourselves if we stop Alyssa, it’s gonna be easier for us to get a win, although we need to still work hard as a team and I think it showed naman earlier,” aniya.

Nagawa nilang limitahan si Valdez sa 16 puntos. (Marivic Awitan)