CABANATUAN CITY - Siyam sa 89 na barangay chairman, kabilang ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC), ang nasa balag na alanganin makaraang ireklamo ng paglabag sa probisyon ng Omnibus Election Code sa eleksiyon noong Mayo.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Provincial Election Supervisor Atty. Panfilo Doctor Jr., iniimbestigahan na ng komisyon ang umano’y electioneering sa re-election bid ni City Mayor Julius V. Vergara at mga ka-ticket nito.

Batay sa reklamo, tahasan umanong nangampanya para sa grupo ni Vergara ang mga barangay chairman na sina ABC President Sergio Tadeo (Barangay San Isidro), Joey Tucay(Calawagan), Ed Puyat (Cruz Roja), Pablito Santiago (Kalikid Sur), Antonio Carlos (Lagare), Christopher Lee (Pagas), Cenon Sagun Jr., (Sangitan), Jocelyn Sarmiento (Imelda) at Mirasol Capinpin (Mabini Extension). (Light A. Nolasco)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder