URDANETA CITY, Pangasinan – Dalawang katao ang agad na nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magkasalpukan ang isang kotse at isang Mitsubishing L300 sa Manila North Road sa Barangay Anonas, Urdaneta City, partikular sa TPLEX exit point sa Zone 6.

Ayon kay Supt. Marceliano Desamito, hepe ng pulisya, dakong 6:00 ng umaga kahapon nang mangyari ang aksidente na ikinasawi nina Jessie Lacsa, driver ng Toyota Corolla, at taga-Quezon City; at Ailene Alonte, 31, ng Paranaque City.

Batay sa imbestigasyon, si Lacsa ang nagmamaneho sa Corolla (TKW-930) sakay sina Alonte, Masato Masigawa, 9; Hatoni Dulla, 13; Asigawa Ellen Masigawa, 32; at Carmelita Dulla, 60, pawang taga-Paranaque City.

Nakasalpukan ng Corolla ang Mitsubishi L300 (ULA-912), na minamaneho ni Jay Serafin, 38, sakay sina Jonel Barcelona, 22; Jeric Galano, 25; Ritchie Cabalona, 26; at Ronnie Valliente, 36, pawang taga-Imus, Cavite. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder