Aabot sa P33,000 cash prize ang nakataya sa 140th Cuenca Foundation Day 35-Kilometer Mount Maculot Mountain Bike Challenge 2016 na lalarga sa Cuenca Municipal Hall grounds sa Barangay San Felipe at matatapos sa Brgy. Uno sa Cuenca, Batangas sa Nobyembre 5.
Itinataguyod nina Cuenca Mayor Lerry Endaya at Sangguniang Bayan, Cyra’s Pizza Pie, Marvel Pizza Pie, dating Cuenca Vice-Mayor Bitoy Marasigan at Janno Marasigan, babalangkasin ito nina Voltaire Endaya ng Cuenca Cycling Club at Pepe Chavez ng Ala-Eh Cycling Club.
Lahat ng mga kalahok ay kailangang magdala ng valid ID sa pagpapa-rehistro kina Chavez at Pops Matibag na pwedeng matawagan o ma-text sa 0922 885 6443 at 0998 574 5777.
Ang top five winners sa Open men’s division ay mabibiyayaan ng P5,000, P3,000, P2,000, habang may parehong premyo para sa male 36-year-old-above at maging sa boy’s side na para lang sa mga Batangueño.
Inaasahang mangunguna sa mga siklistang papadyak ang buhat sa 21 Barangay ng nabanggit na bayan na mga kinabibilaangan ng Balagbag, Bungahan, Calumayin, Dalipit East, Dalipit West, Dita, Don Juan, Emmanuel, Ibabao, Labac, Pinagkaisahan, San Felipe, San Isidro, Barangay 1 (Poblacion), Brgy. 2 (Pob.), Brgy. 3 (Pob.), Brgy. 4 (Pob.), Brgy. 5 (Pob.), Brgy. 6 (Pob.), Brgy. 7 (Pob.) at Brgy. 8 (Pob.). (Angie Oredo)