LINGAYEN, Pangasinan – Patuloy na nananawagan sa publiko ang health authorities sa Pangasinan na mag-ingat kasunod ng biglaang pagdami ng kaso ng leptospirosis sa lalawigan, na nakapagtala na ng 136 ngayong taon, at 19 sa mga ito ang nasawi.

Sinabi ni Dr. Anna de Guzman, provincial health officer, na 84 na porsiyento ang itinaas ng mga kaso ng leptospirosis ngayong taon kumpara noong 2015, na mayroong 70 kaso at pitong pagkamatay.

Ayon sa mga health expert, nakukuha ang leptospirosis sa pagkababad ng tao sa baha na posibleng kontaminado ng ihi ng daga.

Karamihan sa mga biktima ng sakit sa Pangasinan ngayong taon ay nagmula sa Dagupan City, na binaha noong Agosto dahil sa habagat. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder