Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. – San Beda vs Mapua (jrs)

4 n.h. – San Beda vs Arellano (srs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isa na lang para sa kampeonato. Isang hakbang para marating ang bagong pedestal sa kasaysayan ng collegiate basketball.

Tatangkain ng San Beda na tapusin ang maiksing best-of-three championship series sa pakikipagharap sa Arellano University ngayon sa Game 2 ng titular showdown sa MOA Arena.

Target ng Red Lions na makopo ang ika-9 na kampeonato sa nakalipas na 11 season ganap na 4:00 ng hapon.

Nakalapit ang San Beda sa hangaring maidepensa ang korona via sweep nang gapiin ang Arellano, 88-85, sa Game 1 ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament.

Tatangkain ng tropa ni coach Mike Jarin na tapusin ang laban at muling dalhin ang titulo sa Mendiola campus.

Umaasa ang school officials para sa double celebration sa pakikipagtuos ng Red Cubs sa Mapua Red Robbins sa junior finals sa 1:00 ng gahon.

Nagposte ng 24 puntos ang dating La Salle mainstay na Bolick bukod pa sa depensang inilatag para pigilan ang pambato ng Arellano na si Jiovani Jalalon.

“Nobody can guard Jiovani Jalalon but he (Bolick) was there every play,” ani Jarin.

Bukod kay Bolick,mahalaga rin ang ambag ng kanyang mga teammates partikular ang kanilang big guys na lubhang naungusan ang kanilang mga katapat sa kabilang koponan.

Umiskor ng pinagsamang 36 puntos sina Benedict Adamos, Arnaud Noah at Javee Mocon kumpara sa 16 lamang nina Dioncee Holts, Lervin Flores at Julius Cadavis ng Chiefs.

Sa kabila ng pagkatalo, hindi nawawala ang tiwala ni Jalalon sa kanyang mga kakampi habang hindi rin nabawasan ang kumpiyansa ni coach Jerry Codiñera sa kanyang playmaker na itinuturing na pinakamahusay na pointguard sa college level ngayon.

“Move on na lang,bawi na lang kami next game,” ani Jalalon na hindi nagsisisi sa ginawang krusyal na desisyon na ipasa ang bola kay Holts sa final stretch ng Game 1 na dapat nagpatabla sa laban.

Para kay Codiñera, inamin niyang mas kumpiyansa siya kung na kay Jalalon ang bola at ito ang tumira, ngunit andun din ang tiwala niya sa desisyon nito.

“Hindi ko kinukuwestiyon yung kanyang desisyon, kasi madalas naman siya talaga yung nagki- create ng play.Talaga lang sigurong di para sa amin,” ani Codiñera. (Marivic Awitan)