ATLANTA (AP) – Sinamantala ni Dwight Howard ang kakulangan sa player ng Cavaliers para sandigan ang Atlanta Hawks sa 99-93 panalo kontra sa defending NBA champion sa pre-season match nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Philips Arena.

Naitala ng bagong Hawks center, lumipat mula sa Houston sa offseason, ang game-high 26 puntos, walong rebound at dalawang block, habang nag-ambag si Thabo Sefolosha ng 12 puntos.

KNICKS 90, WIZARDS 88

Sa Madison Square Garden, naisalpak ni Lance Thomas ang game-winning free throws may 0.2 segundo para maungusan ng New York ang Washington.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nadomina ng Knicks ang tempo ng laro bago nakabawi ang Wizards para maipuwersa ang dikitang laban sa krusyal na sandali.

Nagtabla ang iskor sa 88 at nakakuha ng foul si Thomas kay Wizards guard Danuel House para sa final free throw.

Nanguna si Carmelo Anthony na may 19 puntos para sa Knicks.

SPURS 86, PISTONS 81

Sa Palace of Auburn Hills, ginapi ng San Antonio Spurs ang kulang sa player na Detroit Pistons.

Hataw sina Pau Gasol at LaMarcus Aldridge sa nakubrang 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna si Andre Drummond sa Pistons sa natipang 17 puntos at 13 rebound.