Hataw si Mark Alfafara sa naiskor na 18 puntos para sandigan ang Philippine Air Force sa impresibong 16-25, 25-22, 25-23, 25-23, panalo kontra Cignal kahapon sa 2nd Spikers’Turf Reinforced Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nagmula ang puntos ng dating University of Sto. Tomas star sa 15 kill at block para maibigay sa Jet Spikers ang ikalawang sunod na panalo.

Nag-ambag si Howard Mojica ng 16 puntos sa kabuuang 62 atake ng Air Force para ipadama sa HD Spikers ang unang kabiguan sa dalawang laro.

Kumana rin sina Jeffrey Malabanan at Reyson Fuentes ng tig-siyam na puntos para masundan ang impresibong panalo kontra 100 Plus, 25-11, 25-16, 25-23 sa nakalipas na linggo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa Cignal sina Herschel Ramos na may 14 puntos at Edmar Bonono at Lorenzo Capate Jr., na kapwa tumipa ng 12 marker para sa HD Spikers.