SANAA (AFP) – Mahigit 140 katao ang napatay at 525 iba pa ang nasugatan noong Sabado nang tamaan ng air strikes ang burol ng isang rebelde sa Yemen, ayon sa isang opisyal ng United Nations. Isinisi ng mga rebeldeng Huthi ang pag-atake sa koalisyon na pinamumunuan ng Saudi Arabia. Itinanggi ito ng koalisyon.
‘’The toll is very high: more than 520 wounded and more than 100 martyrs,’’ sabi ng tagapagsalita ng health ministry sa Sanaa, Tamim al-Shami, sa rebel Almasirah television.
Sinabi ng UN humanitarian coordinator sa Yemen na si Jamie McGoldrick, na tumama ang air strike sa isang community hall sa Sanaa kung saan nagtitipon ang mga nagluluksa.
Nanawagan siya ng agarang imbestigayson at sinabing kailangang tiyakin ng international community ang proteksyon ng mga sibilyan.
‘’This violence against civilians in Yemen must stop immediately,’’ sabi ni McGoldrick.