SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Sa loob ng 24-oras na operasyon ng intelligence operatives ng San Isidro Police ay naaresto nila ang sinasabing matinik na carnapper at magnanakaw sa Barangay Poblacion sa bayang ito, nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni Insp. Steven Ocsio Dela Cruz, hep eng San Isidro Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva

Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang naaresto na si Alexander Trinidad y Tagala, 42, may asawa, residente ng P. Carmen Street, Bgy. Poblacion.

Ayon kay Dela Cruz, nahaharap si Trinidad sa mga kasong carnapping at theft at matagal nang tinutugis ng pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Light A. Nolasco)