MISMONG ang taong malapit sa not so young but not so old na aktor ang nagkuwento sa amin na may pakiramdam siyang malapit nang magladlad ang alaga nilang actor.

Noon pa naman daw ay pinagdududahan na nila ang may hitsura pa namang actor. Paminta raw ang aktor, as in pa-mhin.

“Sobrang kinis niya at pati ang mukha niya, eh, may kung anu-ano siyang inilalagay at habang kausap namin, eh, pumipilantik ang mga kamay. Well, it takes one to know one,” natawa pang sabi ng source namin.

Mabuti na nga lang daw at nabawas-bawasan na ang hindi kanais-nais na mga kilos ng actor nang unti-unti itong magkaroon ng pangalan. Pinag-workshop daw kasi nila ang actor at pinagsasabihan na magkilos-lalaki, huh!

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Pero kahit anong gawing pagkukunwari, eh, lalabas din naman kung ano’ng totoo,” sey ng source.

Lately, napansin daw nila na napapadalas na ang pagsama-sama ang actor ng lalaki na ipinakilala sa kanila noon na kaibigan lang daw niya. Pero may mga larawan daw na ipinapakita sa kanila ng actor na mahihiya raw ang tunay na magkasintahan sa posing ng dalawa!

“Magkaibigan lang daw sila. Eh, kung makayapos siya sa sinasabing kaibigan lang niyang lalaki, eh, over talaga. Sa totoo lang naman, ‘yung simpleng yakap lang nga sana sa komedyanteng babae na naging kasintahan niya, eh, hindi namin nakita pero dito sa friend niyang guy,eh, minu-minuto yata niyang ginagawa,”napatawa pang banggit ng kausap namin.

Kung sakaling mag-aala Rustom Padilla na naging BB Gandanghari ang alaga nila ay pabor daw naman ang kausap namin.

“Sa totoo lang, eh, matutuwa kaming lahat. Hindi hamak na mas maganda at mas bata pa siya kaysa kapatid ni Robin Padilla,” lahad pa niya. (Jimi Escala)