Isa na namang Pinoy boxer ang kakasa sa Russia sa katauhan ni dating WBO Oriental lightweight champion Jose Ocampo na makikipagbasagan ng mukha kay Argentine 135-pound titlist Pablo Martin Barboza sa Linggo sa Krylia Sovetov, Moscow City.

Napagtatalo ang lahat ng Filipino boxer na sumagupa sa Russia kaya inaasahang iiskor ng panalo si Ocampo na galing sa dalawang sunod na panalo laban sa beteranong si Jaime Barcelona at dating WBC ABC Continental lightweight champion Nelson Gulpe.

Beterano ng 33 laban, si Barboza na muling natamo ang Argentinian lightweight crown nang talunin sa puntos si Ruben Dario Lopez noong Agosto 21, 2015 sa Buenos Aires.

Una naging kampeon ng Argentina si Barboza noong 2014 matapos sungkitin ang WBO Latino lightweight title noong 2013 kung kailan siya naging world rated boxer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Barboza na 24-9-0, tampok ang siyam via knockout kumpara kay Ocampo na may kartadang 19-9-1, kabilang ang 13 TKO. (Gilbert Espeña)