Tatlong magkakapatid ang napatay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Station 11 nang manlaban sa “one-time, big-time” operation sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni MPD-Station 11 commander Police Supt. Amante Daro ang napatay na magkakapatid na sina JC Morales, 33; Armando Morales, 30; at Domingo Morales, 28, pawang residente ng 72 San Miguel, Delpan, Binondo, Maynila.

Dead on the spot ang magkakapatid dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni SPO1 Lester Evangelista, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dahil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga ay ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon sa naturang lugar, dakong 11:30 ng umaga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kinatok umano ng mga pulis ang bahay ng magkakapatid at pagbukas ng pinto ay kaagad nang nanlaban ang tatlo na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong kalibre .38, shabu paraphernalia at 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P150,000. (Mary Ann Santiago)