Patuloy at handang manindigan sa anumang hamon ng lipunan, malaya at hindi madidiktahan ang Mataas na Kapulungan. Ito ang tiniyak ni Senate President Aqulino Pimentel III, sa paggunita ng ika-100 taon ng Senado kahapon.
“Whatever be the challenge, the Philippine Senate will fulfil the Filipino people’s dreams of a better Philippines.
We will stay true to our duty and continue to be relevant to our peoples’ lives and our country’s history,” ani Pimentel.
Naging mas matingkad ang pagtitipon sa pagdalo ng tatlong dating Senate President – sina Franklin Drilon (2000; 2001- 2004; 2004- 2006; 2013- 2016), Juan Ponce Enrile (2008- 2010; 2010- 2013), at Nene Pimentel (2000- 2001).
Dumalo rin sa okasyon ang iba pang mga dating mambabatas kabilang na sina dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, dating Vice-President Noli de Castro, Heherson Alvarez, Rodolfo Biazon, Nikki Coseteng, Rene Espina, Loi Estrada, Edgardo Ilarde, Eva Kalaw, Alfredo Lim, Joey Lina Jr., Jun Magsaysay Jr., Orly Mercado, Santanina Rasul, Wigberto Tanada, Francisco Tatad, at Victor Ziga. (Leonel M. Abasola)