BEIJING (AP) — Magaan at mabilis na tinapos nina Rafael Nadal at Andy Murray ang laban para makausad sa second round ng China Open nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nangailangan lamang si Nadal ng isang oras para pabagsakin si Paolo Lorenzi 6-1, 6-1, habang dinispatsa ni Murray si Andreas Seppi, 6-2, 7-5.

Sumabak si Murray, nakuha ang No. 1 seeding sa pagatras ni Novak Djokovic, , sa China Open sa ikatlong pagkakataon.

Umabot lamang siya sa quarterfinals sa unang sabak at nakausad sa semifinal sa sumunod na taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I thought I did OK considering I hadn’t played much the past couple of weeks,” sambit ni Murray.

“But there was some good stuff in there. With each match, I’ll play better hopefully. No injuries. Felt fine. Just need matches now.”

Sa iba pang laro, nagwagi si Alexander Zverev kontra fourth-seeded Dominic Thiem 4-6, 6-1, 6-1, at giniba ni Jack Sock si Chinese wild-card entry Zhang Ze 6-3, 7-5.

Sa women’s side, umusad si Petra Kvitova nang magwagi kay Chinese qualifier Wang Yafan 6-4, 6-1. Makakaharap niya sa third round ang defending champion na si Garbine Muguruzai