Oktubre 5, 1665 nang itatag ni Christian Albert, Duke of Holstein-Gottorp, ang University of Kiel, sa lungsod ng Kiel sa Germany sa ilalim ng pangalan ni Christiana Albertina. Ito ang pinakamalaki, pinakamatanda, at pinakakilalang unibersidad sa Schleswig-Holstein.
Noong una, medyo nag-aalangan ang mga residente ng Kiel kaugnay sa inaasahang pagbugso ng mga estudyante, iniisip na maaari itong maging “quite a pest with their gluttony, heavy drinking, and their questionable character.” Dumanas ng malaking problema ang unibersidad noong World War II. Hindi nagtagal ay muli itong itinayo sa ibang lugar.
Ngayon, tinatayang aabot sa 24,000 estudyante ang nag-aaral sa University of Kiel. Isa sa mga kilalang alumni ay ang bacteriologist na si Gerhard Domagk, isang Nobel laureate; ang mga pulitikong sina Gerhard Stoltenberg at Peer Steinbrück; at ang kompositor na si Erich Walter Sternberg.