CABANATUAN CITY - Sa halip na magkatotoo ang inakalang kikita nang malaki sa pagbebenta ng droga, nalaglag sa buy-bust operation ang dalawang umano’y drug pusher sa Barangay Sangitan West, nitong Lunes ng madaling araw.

Naaresto ng pulisya at ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit sina Ma. Ana Aguinaldo y De Leon, 43, may asawa, ng Purok 7, Bgy. Sangitan West; at Ricky Gabon y Hubernadas, 35, ng Bgy. Aduas Sur, matapos makipagtransaksyon sa pulis na poseur buyer.

Sa report ni SPO1 Elsinore C. Go. dakong 1:30 ng umaga nang masakote ang dalawang drug pusher sa aktong nagbebenta ng droga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar