Kapos man sa kompetitibong torneo sa Pilipinas, ipinamalas nina Jan Paul Morales at George Oconer ang angking kahusayan at katatagan laban sa matitikas na international rival.

Hataw sina Morales at Oconer para sandigan ang four-man PhilCycling national team sa bronze medal finish sa OCBC Cycle Southeast Asia Speedway Championship nitong Linggo sa Singapore.

Kabilang din sa Nationals sina Alab Adviento at Bhong Soriano.

Naitala nila ang kabuuang oras na 20 minuto at 17.58 segundo para pumangatlo sa likod ng Malaysia at Brunei.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauwi ng Pinoy cyclist ang premyong US$2,000 (P80,000).

Binubuo ng 10-lap race na may distansiyang 1km circuit ang karera. Nakasagupa bng Pinoy ang mga siklista mula sa walong bansa kabilang ang host Singapore, Myanmar, at Cambodia.