Sinuspinde ng siyam na buwan ang isang alkalde ng Negros Oriental dahil sa pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang proyekto noong 2011.

Ayon sa Office of the Ombudsman, napatunayang guilty si Tanjay City Mayor Lawrence Teves sa simple misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Wala ring matatanggap na suweldo ang alkalde habang suspendido ito.

Bukod sa naturang reklamo, nahaharap din si Teves sa paglilitis sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, kinasuhan din sa Sandiganbayan sina Barangay Chairman Denver Bokingkito, General Services Officer Bogard Colina, at dating Sangguniang Kabataan Federation President Mar Francis Saguran.

“Graft probers from the Office of the Deputy Ombudsman in the Visayas found that in 2011, respondents procured construction materials worth P280,876.34 for the repair of canals in Barangays 5 and 6. Documents showed that Teves resorted to Small Value Procurement without coursing the project through the Bids and Awards Committee,” ayon sa Ombudsman.

Ayon sa Ombudsman, hindi sumunod sa batas si Teves nang hindi nito idinaan sa public bidding ang naturang proyekto.

(Rommel P. Tabbad)