Lindsay Lohan
Lindsay Lohan (AP)
IPINAKITA ni Lindsay Lohan sa Snapchat kahapon ang makapal na pagkakabalot sa kanyang kaliwang kamay, at ibinunyag na muntik nang maputol ang kanyang ring finger sa isang boating accident.

“This is the result of me trying to anchor the boat by myself,” saad niya habang tumatawa sa video. “My poor finger.”

Ikinuwento ng aktres ang madugong detalye sa caption ng kanyang video: “I almost lost my finger from the anchor. Well, I lost half my finger, thank goodness we found the piece of my finger… I just had surgery to fix it,” saad ng Mean Girls actress, 30. “It hurts so bad.”

Sa ngayon, inilalaan ng star ang kanyang panahon kasama ang mga kaibigan sa Mediterranean makaraan ang matinding away nila ng kanyang fiancé at Russian businessman na si Egor Tarabasoy, 23, noong huling bahagi ng Hulyo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inakusahan ng Freaky Friday star na nagtataksil ang kanyang fiancé at nagpa-party sa sunud-sunod na social media post at nagbigay pahiwatig na buntis siya. Tinawagan din ang pulisya para magtungo sa kanilang apartment sa London matapos ang kanilang pagtatalo.

“All relationships have ups and downs, and that is what is happening with Lindsay and Egor,” saad sa US Weekly ng kaibigan ni Lohan na si Hofit Golan, na nagbabakasyon kasama ang star sa Sardinia, noong huling bahagi ng Hulyo. “They are going through personal matters, but it doesn’t mean they’ve broken up for good. Lindsay just needed a pause.”

Namataan si Lohan na suot pa rin ang malaking emerald engagement ring noong huling bahagi ng Agosto, bagamat inilipat na niya ito sa kanyang kanang kamay.

Eksklusibong kinumpirma ng Us Weekly na engaged na ang magkasintahan noong April matapos ang walong buwan na dating. - Reuters