Pinagtibay ng House Committee on Revision of Laws ang panukalang nagdedeklara sa Enero 23 bawat taon bilang special working holiday para sa paggunita sa deklarasyon ng Unang Republika ng Pilipinas, ang unang republika sa Asia, noong 1899 sa Barasoain Church.

Ipinasa ng komite ni Rep. Marlyn L. Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan) ang House Bill 477 na inakda ni Rep. Jose Antonio R. Sy-Alvarado (1st District, Bulacan) na ideklara ang Enero 23 ng bawat taon bilang “First Philippine Republic Day” at magiging isang special working holiday sa bansa. - Bert de Guzman

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?