Mag-uusap sa Davao sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari, para sa bubuksang usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Si Misuari, dating gobernador ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), ay bibigyan ng safe conduct pass upang hindi ito arestuhin.

“Nur Misuari is scheduled to get out of his camp, bigyan ko lang siya ng conduct pass. He will go to Davao, we will talk,” ayon sa Pangulo, sa kanyang talumpati sa Masskara festival sa Bacolod City.

Magugunita na ilang ulit nang sinabi ng Pangulo na gusto niyang makausap si Misuari para sa kapayapaan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Si Misuari ay pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa umano’y pagkakasangkot sa Zamboanga siege noong 2013.

Samantala ayaw ng Pangulo na arestuhin si Misuari dahil iniiwasan umano ng pamahalaan na mamatay ang MNLF leader sa kostudiya ng gobyerno. “He’s the only known leader who has the influence and the structure. Nobody else,” ayon pa sa Pangulo. - Genalyn D. Kabiling