BERLIN (AP) – Inaresto ng German police ang isang 22-anyos na babae matapos matagpuan sa apartment nito ang isang buhay na sanggol na isinilid sa kahon kasama ang kalansay ng ikalawang sanggol.

Sinabi ng Hannover police kahapon na ang 19-anyos na lalaking ka-live in ng babae ang nakadiskubre sa kahon noong Huwebes at nagsumbong sa pulisya.

Maayos na ang kalagayan ang babaeng sanggol sa ospital. Nahaharap naman ang suspek sa posibleng kaso ng manslaughter at attempted manslaughter.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo