Nagpatupad kahapon ng big-time price hike sa liquefied petroleum gas (LPG) ang kumpanyang Petron Corporation.

Sa pahayag ng Petron, epektibo dakong 12:01 ng umaga kahapon nagtaas ng P2.90 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas ang kumpanya, katumbas ng P31.90 na dagdag-presyo sa bawat 11-kilogram na tangke nito.

Bukod pa rito ang dagdag na P1.62 sa Auto-LPG ng Petron, na karaniwang ginagamit sa taxi.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis na may produktong LPG at mga miyembro ng LPG Marketers Association sa kahalintulad na taas-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang bagong price adjusment ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan. - Bella Gamotea