Ni Angie Oredo

Iuuwi muli ng tatanghaling kampeon sa Ronda Pilipinas, ang biggest cycling race sa buong bansa, ang pinakamalaking nakatayang premyo na P1 milyon sa pagsikad nito sa kalsada sa susunod na taon tampok ang 12-stage na karera na magmumula sa Norte partikular sa Ilocos region sa Pebrero 4 at matatapos sa Iloilo City sa Marso 4.

Nasa ikapito nitong edisyon, ang LBC Ronda Pilipinas, na itinataguyod ng LBC sa muling pakikipagpareha sa Mitsubishi, ASG Sports Group at Donen at suportado ng PhlCycling, ay itinaas muli ang premyo ngayong taon sa P1 milyong upang hatakin hindi lamang ng pinakamagagaling na rider sa bansa kundi pati na ang mga may potensiyal na talent mula sa mga probinsiya.

Sinabi ni Ronda sports development head Moe Chulani na nananatili ang Ronda sa adhikain nito makatulong sa PhilCycling sa pamumuno ni Abraham "Bambol" Tolentino sa grassroots development program sa pagsuyod sa buong bansa sa potensiyal na talent at tulungan silang magsanay upang maging posibleng miyembro ng pambansang koponan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isa sa mga nadiskubre sa huling edisyon ay ang batang si Ranlen Maglantay, na bitbit ang mumurahin at second-hand na bisekleta, pares ng rubber shoes pati na rin ang ambisyon na makalahok sa taunang karera na matindi ang kompetisyon.

"We believe that somewhere out there, there are more gems in the rough waiting to be discovered like Ranlen Maglantay," sabi ni Chulani.

Mananatili si Jingo Hervas bilang race director katulong ang 3Q Sports' Quin at sina Jojo Baterna at Rommel Bobiles, na siyang nag-organisa sa Giro de Pilipinas sa Subic kada taon.

Hangad ng Ronda organizers na makahanap ng mahigit na 100 kalahok sa pagtatakda ng dalawang qualifying race.

Si Maglantay kasama ang malaking 70-man group na lumahok sa nakaraang edisyon ay awtomatiko na kuwalipikado para sa 2017 Rond bagaman kailangan pa rin nilang magkumpirma ng kanilang paglahok pagpaparehistro.

Kabuuang 50 hanggang 60 pa na silya ang pupunuin sa pagsasagawa ng LBC Ronda ng dalawang qualifying race, na isa sa Subic kasabay ng Giro de Filipinas sa Nobyembre 3 at 4 sa Subic Bay at isa pa na pansamantalang itinala sa unang linggo ng Disyembre sa Bacolod City.

"LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders," sabi ni Chulani.

"That's why Ronda Pilipinas 2017 will be a bigger and better event this year," sabi pa nito.

Opisyal na magsisimula ang LBC Ronda sa Pebrero 4 sa Ilocos Sur-Ilocos Norte Stage One at susundan ng Ilocos Sur Stage Two criterium sunod na araw.

Ang Stage Three y tutulak sa Angeles City, Pampanga papunta sa Subic sa Pebrero 8 bago ang Naga-San Jose Stage Four individual time trial sa Pebrero 14 na susundan ng Pili-Daet Stage Five sa Pebrero 16 at ang Daet tungo sa Unisan Stage Six sa Pebrero 17.

Sunod ang Paseo Stage Seven sa Sta. Rosa, Laguna sa Pebrero 19, ang Tagaytay-Batangas-Tagaytay Stage Eight sa Pebrero 19, ang Calamba-Antipolo Stage Nine sa Pebrero 23 at Antipolo Stage 10 criterium sa Pebrero 24.

Lilipad ang delegasyon patungo sa Iloilo City na siyang maghohost sa Stages 11 at 12 sa Marso 3 at 4.

Ang mga interesadong lumahok ay maaaring bumisit sa Ronda's official Facebook page na https://www.facebook.com/girodepilipinas/?fref=ts at idownload at sagutan bago ipadala sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat located at Blk. 11 Lot 2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Brgy. Ususan, Taguig City o sundan din ang LBC Ronda Pilipinas' official Twitter account @rondapilipinas.